Impormasyon tungkol sa Medicare para sa mga Imigrante

Impormasyon tungkol sa Medicare sa iba’t ibang Wika

Arabic German Japanese Portuguese
Armenian Greek Khmer Russian
Chinese Hindi Korean Samoan
Creole Hmong Laotian Spanish
Farsi Italian Polish Tagalog
French

 

Mapa-lokal o online man, maraming mapagkukunan ng impormasyon at mga tumutulong na sumagot sa mga tanong tungkol sa pagkuha ng Medicare, mga sakop, at kung paano mag-apply. Ang Medicare ay may halos dalawang dosenang artikulo na nakasulat sa iba’t ibang wika na pwede mong piliin sa ibabaw nitong talata. Mula sa pangkalahatang-ideya tungkol sa Medicare hanggang sa pagsakop ng bakuna sa COVID-19 at sa kung sino ang pwedeng sumagot ng mga tanong tungkol sa Medicare.

Pwede kang humingi ng tulong sa pagsasalin kung may mga tanong ka or kailangang malaman sa pangangalaga sa kalusugan. Pindutin ito para sa iba pang impormasyon tungkol sa Medicare gamit ang iba pang wika.

Ayon sa Department of Health and Human Services (HHS), ang mga programa na nakakatanggap ng tulong pinansyal sa gobyerno, kasama na ang Medicaid at Medicare Parts A, C, at D ay nangangailangan ng serbisyong tulong sa wika, tulad ng tagasalin at naisalin na mga dokumento. Naiintindihan ng mga Centers for Medicare and Medicaid Services (CMS) na ang benepisyaryo ng Medicare ay may pangangailangan sa komunikasyon at wika na dapat matugunan para makatanggap ng kalidad na pangangalaga.

Maaari bang Makakuha ng Medicare ang Imigrante kong Asawa at ang mga Imigranteng kong Magulang?

Ang Medicare ay pederal na health insurance program para sa mga mamamayan o permanenteng legal na residente ng Estados Unidos na may edad 65 pataas, mga batang may  kapansanan, o mga taong may permanenteng sakit sa bato or end-stage renal disease (ESRD).

Ang mga imigrante ay makakuha ng Medicare kung maibigay nila ang mga kinakailangan. Ang Medicare ay indibidwal na health insurance program, kaya kung may Medicare ka, hindi mo ito makukuha para sa iyong asawa o mga magulang.

Maari mong tulungan ang asawa o magulang mo na simulan ang proseso ng permanent residency sa Estados Unidos para makapasa sa Medicare residency eligibility requirements. Para mapatunayan ang permanenteng legal na paninirahan, kailangan ng mga imigrante ng green card at pwede silang mag-apply sa pamamagitan ng pamilya ayon sa U.S. Citizenship and Immigration Services (USCIS).  Kung ikaw ay isang mamamayan ng Estados Unidos o permanenteng legal na residente, ang mga magulang at asawa mo ay maaaring mag-aplay ng green card dahilan ng relasyon nila sa’yo.

Kung lahat ng ibang kinakailangan ay naipasa, ang bawat tao ay pwedeng makakuha ng premium-free Medicare Part A, batay sa kanilang sariling kita o sa asawa, magulang, o anak. Ang iba pang detalye tungkol sa gastos sa Medicare ay nasa ibaba.

Bilang imigrante, ano ang mga kinakailangan para makakuha ng Medicare?

Sa sandaling matugunan ng mga imigrante ang mga kinakailangan sa paninirahan, ang ibang pagpapatunay at pag-enrol ay parehas din sa ibang nakakatanggap ng Medicare. Ang mga imigrante ay dapat magtatag ng permanenteng ligal na paninirahan sa pamamagitan ng naninirahan sa Estados Unidos para sa limang tuluy-tuloy na taon bago ang buwan ng pag-file ng isang aplikasyon sa  Medicare.

Ang green card ay ginagamit para mapayagan ang mga imigrante na makapagtrabaho at manirahan sa Estados Unidos. Ayon sa U.S. Immigration Laws  maaaring mag-apply ng green card sa iba’t-ibang paraan, kasama ang:

  • Sa pamamagitan ng pamilya
  • Sa pamamagitan ng trabaho
  • Bilang isang espesyal na imigrante
  • Sa pamamagitan ng refugee o taong nangangailangan ng pangangalaga
  • Human Trafficking o biktima ng krimen
  • Sa biktima ng pang-aabuso
  • Sa pamamagitan ng pag-rehistro
  • sa pamamagitan ng iba pang mga kategorya

Dapat makumpleto ng mga imigrante ang Form I-485, ang pagpaparehistro para sa permanenteng ligal na tirahan o ayusin ang katayuan sa paninirahan. Sa ngalan ng isang imigrante, maaring kumpletuhun ng isang sponsor or petitioner ang application form.

Bukod sa kinakailangan sa permanenteng ligal na paninirahan [permanent legal residency requirement], kasama sa mga kinakailangan ay:

  • Pagiging 65 taong gulang
  • Pagkakaroon ng kapansanan batay sa Social Security’s definition of disability
  • Pagkakaroon ng amyotrophic lateral sclerosis (ALS or Lou Gehrig’s Disease)
  • Pagkakaroon ng ESRD (permanenteng sakit sa bato na nangangailangan ng dialysis o transplant)

Kung kwalipikado ka sa Medicare dahil sa kapansanan, nakakatanggap ka dapat ng disability benefits mula sa Social Security Administration (SSA), sa Railroad Retirement Board (RRB), o bilang nagtatrabaho sa gobyerno.

Ang oras ng pagtatag ng limang taon na permanenteng ligal na paninirahan na kinakailangan sa Medicare ay nagsisimula sa petsa na binigyan ka ng permanenteng katayuan sa paninirahan [permanent residence status]. Nakalista sa USCIS website ang mga proseso at pamamaraan sa pag-apply ng Green Card para tulungan ka. Ang mga impormasyon sa site na ito ay nakasulat sa iba’t iba wika na maaaring mabasa sa pamamagitan ng Multilingual Resource Center.

Anong mga kapansanan ang kwalipikado sa mga imigrante para makakuha ng Medicare?

Ang mga imigrante na nagtatag ng permanenteng paninirahan at nasa ilalim ng edad na 65 na may mga  kapansanan ay maaari ring maging karapat-dapat para sa Medicare. Kailangan mo munang matugunan  and parehong mga kinakailangan sa pagiging karapat-dapat sa Social Security Disability Income (SSDI)  mga benepisyo na nalalapat sa mga mamamayan, na batay sa kasaysayan ng trabaho, pagbabayad ng  buwis sa seguridad sa lipunan sa kita, at pagkakaroon ng sapat na taon ng mga buwis sa seguridad sa  lipunan na naipon sa pantay sa pagitan ng 20 at 40 mga kredito sa trabaho (lima hanggang sampung  taon).

Kung ikaw ay nasa ilalim ng edad na 65, maaari kang maging karapat-dapat sa Medicare kung  nakakatanggap ka ng buwanang RRB benepisyo sa kapansanan para sa isang kabuuang kapansanan nang  hindi bababa sa 24 na buwan. Ang RRB ay gumagamit ng mga alituntunin sa seguridad sa lipunan upang  matukoy ang kapansanan.

Mayroong isang bilang ng mga posibleng kapansanan na maaaring maging karapat-dapat sa iyo para sa  kapansanan. Isinasaalang-alang ng Seguridad sa Lipunan na ikaw ay baldado kung hindi mo na nagagawa  ang mga gawaing dati mong ginagawa dahil sa iyong kondisyong medikal, hindi ka maaaring magsagawa  ng iba pang trabaho dahil sa iyong kondisyong medikal, at ang iyong kapansanan ay inaasahan na  tumagal ng hindi bababa sa 12 buwan o magreresulta sa iyong pagkamatay. Tingnan ang listahan ng  seguridad sa lipunan dito.

  • Bilang karagdagan sa iba pang mga kapansanan, maaari kang maging karapat-dapat para sa saklaw ng  Medicare kung
  • Mayroon kang ALS at nakatanggap ka ng SSDI o RRB benepisyaryo sa kapansanan. ∙ Mayroon kang ESRD at nakumpleto mo ang aplikasyon sa Medicare. Ikaw o ang iyong asawa ay  dapat na nagtrabaho nang sapat sa ilalim ng seguridad sa lipunan, sa RRB, o bilang isang  empleyado ng gobyerno upang maging karapat-dapat para sa mga benepisyo sa pagretiro.

Magkano ang Medicare para sa mga Imigrante?

Nakadepende sa iba’t ibang bagay ang halaga ng Medicare para sa mga imigrante. Nakadetalye ang mga ito sa ibaba:

  • Kasaysayan ng trabaho at pagbabayad ng mga buwis sa Medicare: 
    • Para makwalipika sa premium-free Part A, ang isang indibidwal ay dapat makakuha ng Medicare ayon sa kanilang sariling kita o sa asawa, magulang o anak. Ang manggagawa ay dapat may tinitiyak na bilang ng quarters of coverage (QCs) at mag-apply para ng benepisyo ng Social Security or RRB.
    • Kung ang isang indibidwal ay hindi kwalipikado para sa premium-free Part A, mabibili nila ito  kung sila ay may edad na 65 o mas matanda at naka-enrol sa Part B. Ang buwanang premium para sa Part A para sa taong 2022 ay alinman sa $274 o $499, depende sa kung gaano katagal ka o ang asawa mong nagtrabaho at nagbabayad ng buwis sa Medicare. Habang kailangan mong bilhin ang Part B kung pipiliin mong bumili ng Part A, pwede ka paring bumili ng Part B kung hindi mo pipiliing bumili ng Part A.
  • Enrollment sa Part B
    • Kung nageenrol ka sa Part B (medical insurance), babayaran mong ang karaniwang buwanang premium na $170.10 sa taong 2022. Tumingin sa baba para sa mga karagdagang gastos sa ilalim ng Part B at Part D, na para sa mga taong may mataas na kita.
  • Kita (income)
    • Kung ang nabagong kabuuang kita mo na naitala sa iyong IRS tax return sa dalawang taong nakaraan ay higit sa tiyak na halaga (higit sa $91,000), magbabayad ka ng standard premium na halaga at Income Related Monthly Adjustment Amount (IRMAA). Ang dagdag na halaga ay naga-aplay sa Medicare Part B at Part D (prescription drug coverage).
    • Kung ang kita at pinansyal mo na mapagkukunan ay nasa ibaba ng isang tiyak na threshold, pwede kang humingi ng tulong sa Medicaid para bayaran ang Medicare premiums at iba pang mula-sa-bulsa na gastusin. Maaari kang makwalipika para sa Medicare Savings Programs (MSPs) tulad ng Qualified Medicare Beneficiary Program, Specified Low-Income Beneficiary Program, o Qualifying Individual Program.
    • Makakatulong ang Medicaid na gawing mas abot kaya ang sakop ng Medicare [Medicare coverage] sa pamamagitan ng pagbayad ng ilang mga serbisyo na hindi sinasakop ng Medicare. Masasakop din ng Medicaid ang higit sa 100 araw na pangangalaga sa isang skilled nursing facility samantalang ang Medicare ay nagbabayad lamang ng maximum na 100 araw bawat panahon ng benepisyo. Ang pagiging kwalipikado sa mga programang ito ay nakadepende sa iyong kita, assets, at kinakailangan para sa ibang savings programs na  pinamamahalaan ng mga ahensya ng gobyerno at mga nonprofit na organisasyon.
  • Medicare Supplement Insurance (Medigap)
    • Kung pipiliin mong bumili ng Medigap policy para makatulong sa babayarin sa mga deductibles, copays, at coinsurance kapag na-access mo ang mga benepisyo sa Original Medicare Part A at B, magbabayad ka ng monthly premium. Ang mga monthly premium ay depende sa kung saan ka nakatira, ang iyong edad, kasarian, at paninigarilyo. Dapat kang mag-enrol sa Medicare Parts A at B para makabili ng Medigap policy, at hindi ka makaka-enrol nang sabay sa isang Medicare Advantage Plan.
  • Medicare Advantage Plan
    • Lahat ng mga nage-enroll ng Medicare Advantage Plan ay dapat patuloy na magbayad ng Part A monthly premium kung hindi nila ito nakuha ng libre at Part B monthly premiums. Ang mga Medicare Advantage Plans ay pwedeng maningil ng monthly premium. Pwedeng mag-aplay ang annual deductibles para sa pangangalaga sa kalusugan at niresetang gamot, kasama ang copays at coinsurance sa bawat pag-access mo sa benepisyo mo. Dapat naka-enrol ka sa Medicare Parts A at B para makasali sa isang Medicare Advantage Plan.
  • Medicare Part D prescription drug coverage/Medicare Part D – Sakop sa mga niresetang gamot
    • Kung pipiliin mong bumili ng Medicare Part D, magbabayad ka ng monthly premium na nagkakaiba depende sa plano na pinili mo. Pwede kang ma-charge ng mga deductible, copays, and coinsurance sa bawat pag-access mo sa benepisyo mo. Pwede kang makwalipika para sa Extra Help ayon sa mababang kita na makakatulong sa pagbayad ng ilan sa mga gastusin. Maaaring pagbayarin ka din ng IRMAA kung ang kita mo nung nakaraang dalawang taon ay higit sa $91,000, tulad sa Part B. Dapat naka-enrol ka sa Part A at/o Part B para makabili ng plano na Part D.
  • Penalty para sa mga huling nag-enrol
    • Pwedeng madagdagan ang iyong mga babayarin kung hindi ka nag-enrol kung kwalipikado ka sa kahit na anong part ng Medicare. Humingi ng tulong sa mga padedesisyon tungkol sa kung kailan mag-e-enrol sa Medicare para maiwasan ang mga dagdag gastusin.

Paano naman ang Medicare Advantage para sa mga Imigrante?

Ang mga imigrante na naka-enrol sa Medicare Parts A at B are kwalipikado na sumali sa Medicare Advantage Plan na mayroon sa kanilang lugar. Ang mga Medicare Advantage Plans ay alternatibong paraan para makuha mo ang mga benepisyo sa Medicare Part A at Part B, at madalas nagbibigay ng mga bagay na hindi nasasakop ng Original Medicare tulad ng mga iniresetang gamot, mga  benepisyo sa ngipin, paningin, at pandinig.

Ibang Impormasyon tungkol sa Medicare

Ang Medicare ay nagbibigay ng impomasyon na nakalista sa baba. Ang mga ito’y nakasulat sa mga sumusunod na wika: Arabic, Armenian, Cambodian, Chinese, Farsi, French, German, Greek, Haitian Creole, Hindi, Hmong, Italian, Japanese, Korean, Laotian, Polish, Portuguese, Russian, Samoan, Spanish, Tagalog, Tongan, at Vietnamese. Alamin ang bawat paksa sa pamamagitan ng pag-click sa link na ito, pagpili ng wika mo, at pagbabasa ng mga impormasyon na na-publish ng CMS.

Resource / Impormasyon Paano Gamitin itong Impormasyon na ito
Humingi ng tulong sa iyong mga gastos sa Medicare Tignan kung ang kita mo ay nasa o ibaba ng mga limitasyon sa tsart sa pangalawang pahinga (page two). Makipag-ugnay ang Medicaid office sa iyong state para makita kung kwalipikado ka sa tulong pinansyal sa pamamagitan mg MSPs.
Sakop ng Medicare sa mga kagamitan at serbisyong pang-diyabetis. Basahin ang pang diyabetes na sakop ng Medicare sa isang-tinging tsart sa ika-anim hanggang sa ika-walong pahina para sa kabuuang ideya ng ilang serbisyo at kagamitang pang-diyabetes na sakop ng Medicare Part B at Medicare Part D. Ang buong booklet ay nagbibigay detalye tungkol sa sakop ng Medicare at may kasamang tips para makatulong sa pagkontrol ng diyabetes.
Pagpapanatiling Malusog na Serbisyo ng Medicare I-scroll ang mga sakop ng Medicare Part B para sa mga serbisyong preventative at screening na nakaayos ayon sa alpabeto.
Natapos mo na ba ang iyong Review sa Taunang Medicare Plan? Basahin ang dalawang-pahinang brochure kung magpapalit ka ng Medicare plan, kung saan pinagkukumpara ang mga plano na mayroon sa kanilang lugar, at kung kanino makikipag-ugnayan/makikipag-usap para sa makatulong.
Ano ang Medicare?

Ano ang Medicaid?

Basahin ang maikling pangkabuuang ideya ng Medicare federal health insurance at mga programa sa tulong pinansyal ng Medicaid.
Apat na Programa na Makakatulong sa Iyong Bayad sa Medikal Basahin para sa pagpapaliwanag ng mga programa ng federal at estado na makakatulong sa pagbabayad ng gastusing pang kalusugan at mga iniresetang gamot kapag naabot mo ang limitasyon sa kita.
Medicare Supplement Insurance Basahin pangkabuuang ideya ng Medigap plans na pwede mong magamit kapag may Original Medicare Parts A at B ka.
Mabilisang Impomasyon tungkol sa Medicare Maikiling impormasyon tungkol sa Medicare health insurance at mga detalye kung paano makakakuha ng tulong sa pagdedesisyon tungkol sa iyong mga benepisyo sa Medicare.
Medicare Summary Notice para sa Part A (Insurance sa Hospital/Hospital Insurance) Basahing mabuti ang form na ito kung nakatanggap ka ng Medicare Summary Notice (MSN) para sa mga serbisyong sinisingil ng Medicare Part A. Kasama dito ang mga numerong dapat tawagan kung kailangan mo ng serbisyo sa pagsasalin at mga impormasyon kung paano mag-file ng apela kung hindi ka sumasang-ayon sa isang claim na tinanggihan.
Medicare Summary Notice para sa Part B (Insurance na Pang-medikal/Medical Insurance) Basahing mabuti ang form na ito kung nakatanggap ka ng MSN para sa serbisyong sinisingil ng Medicare Part B. Kasama dito ang mga numerong dapat tawagan kung kailangan mo ng serbisyo sa pagsasalin at mga impormasyon kung paano mag-file ng apela kung hindi ka sumasang-ayon sa isang claim na tinanggihan.
Manatiling Protektado mula sa COVID-19 – Sakop ng Medicare ang Bakuna Isang pahinga na may listahan kung ano ang mga kailangan para makakuha ng pang-COVID-19 na bakuna mula sa Medicare and iba pang impormasyon mula sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) kung paano manatiling protektado
Dalhin ang Iyong Medicare Card Kapag Nakuha mo ang Iyong Bakuna sa COVID-19 Ipakita kung ano ang itsura ng iyong pula, puti, or asul na Medicare card.
Sakop ng Medicare ang Bakuna sa COVID-19 Basahin para sa impormasyon kung paano sakop ng Medicare ang bakuna at booster shots para sa COVID-19.
Alamin Kung Saan Masasagot ang mga Tanong mo tungkol sa Medicare Basahin upang maintindihan kung kailan makikipag-ugnayan sa Medicare at kung kailan makikipag-ugnayan sa SSA kung paano mag-sign up para sa Medicare.

Matuto pa mula sa mga Sanggunian namin / Matuto pa mula sa mga reperensiya namin

Kelly-Blackwell Headshot
Certified Senior Advisor (CSA)®

Bilang isang propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan mula noong 1987, si Kelly Blackwell ay sumabay sa paglalakad at pag-aalaga ng mga nakatatanda habang naglalakbay sila sa panahon ng kanilang ikaapat na quarter ng buhay. Si Blackwell ay mayroong Bachelor of Science sa nursing mula sa University of Northern Colorado, isang Master of Science sa health care administration mula sa Grand Canyon University, isang interprofessional graduate certificate sa palliative care mula sa University of Colorado Anschutz Medical Campus at may hawak na isang Certified Senior Advisor® kredensyal mula sa Society of Certified Senior Advisors.

Nag-aambag si Blackwell sa blog ng University of Colorado-Anschutz at na-publish sa “The Human Touch” na ipinamahagi ng University of Colorado Center for Bioethics and Humanities. Isinulat niya ang “Dying Is” para sa Pathways Hospice.

Isang rehistradong nars, naiintindihan ni Blackwell ang mga pagpipilian sa health insurance na nakakaimpluwensya sa kalidad ng buhay at determinado sa pamamagitan ng mga pinapahalagahan, layunin, at paniniwala. Siya ay masigasig tungkol sa pakikipag-ugnayan, pagtuturo, at pagbibigay-kapangyarihan sa mga nakatatanda habang sila ay nag-navigate sa sistema ng health care. May kakayanan siyang magbigay ng karanasan, mahabagin na boses sa mga benepisyaryo na naghahanap ng impormasyon tungkol sa Medicare Advantage Plans.

Bilang isang CSA®, may access si Blackwell sa mahahalagang impomasyon para sa mga benepisyaryo ng Medicare. Ang kanyang trabaho bilang isang bedside nurse at clinical manager ay nagbigay sa kanya ng pagkakataong makita kung paano gumagana ang mga patakaran, regulasyon, at benepisyo ng Medicare kapag kailangan ng mga pasyente ang mga ito. Sa hilig na matuto at gumawa ng pagbabago sa buhay ng mga nakatatanda, sinusuportahan ni Blackwell ang mga nakatatanda sa pamamagitan ng Medicare at mga desisyon sa buhay sa ikaapat na quarter.